Sana lagi tayong magkasama. Sana lagi kitang nayayakap at nalalambing. Sana lagi kong napupunasan ang luha mo sa tuwing umiiyak ka. Sana nagkakausap tayo sa mga oras na kailangan natin ng taong makikinig satin. Sana katabi kita sa pagtulog ko. Sana ikaw ang kasama ko sa bawat saya at lungkot ng buhay. Sana magkahawak ang kamay nating dalawa. Sana masaya rin tayo katulad ng iba. Sana hindi tayo nangungulila sa isa’t-isa. Sana ako nalang ang mahal mo.
Sana tayo nalang, sana talaga.